Thursday, December 4, 2008

How to help the Calatagan Farmers

Mga butihing kasama sa Ateneo:

Dumating ang mga Sumilao farmers sa Ateneo nuong ika-5 ng Disyembre, 2007 at napakahalaga sa kanila ang ibinigay nating suporta.

Makalipas ang isang taon, ngayong Biyernes, ika-5 ng Disyembre, 2008 muli nating ipakita ang ating pakikiisa sa mga magsasaka ng Calatagan.

Nagsimula na silang maglakad nuong ika-1 ng Disyembre upang ipaglaban ang kanilang pagmamay-ari sa lupang sinasaka sa Brgy. Baha at Brgy. Talibayog.

Sa Biyernes, ika-5 ng Disyembre maaring ipadama ang pagsuporta sa kanila sa maraming paraan....

4:00
ng umaga: sumabay sa kanilang paglalakad mula De La Salle University (dadaan ng UN Avenue-Nagtahan- - Aurora Blvd) patungong Ateneo de Manila University

11:00 ng umaga: salubungin natin ang isang daan at limampung
magsasaka sa Gate 2

12:00 ng tanghali: maging bahagi ng misang gaganapin sa Church of the Gesu
(punong tagapagdiwang: Cardinal Gaudencio Rosales)

3:00 - 6:00 : tumulong sa medical check-up, Loyola House covered courts


Magpapalipas sila ng gabi dito sa Ateneo at itutuloy ang kanilang paglalakad patungong DAR kinabukasan, ika-6 ng Disyembre,2008.

Ito ang kanilang iba pang pangangailangan:

a.. mga doktor at gamot (loperamide, paracetamol, pain relievers, neo-block
at vitamins)
b.. banig, tsinelas o sapatos
c.. pagkain

Kung nais makatulong, makipag-ugnayan lamang po sa aming tanggapan.
4261017, 4266001 lokal 5090 (Raffy Papelleras)

Lubos na gumagalang,
An Manapat

Office for Social Concern and Involvement (OSCI)
Loyola Schools

No comments: