Saturday, March 15, 2008

Syntesis sa Pilosopiya: Pinananagutan

natapos ko na yung syntesis! woohoo! share ko nga rin. natuwa ako sa ginawa ko kahit na sobrang pinahaba ko at parang run-on sentence na yung ginawa ko :))

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang pamimilosopiya ay ang pagsabi na likas sa bawat tao na 
mag-isip at makagawa ng pag-unawa sa Meron – sa madaling salita,
isang paggawang umuunawa at pag-uunawang gumagawa. Sa 
patuloy na pag-unawa ng indibidwal patungkol sa kinagagalawang 
Meron at sa syempre sa pagdanas niya sa Meron, natutuklasan niya 
na ang bawat tao ay likas na magkahawig at magkaiba sa kanilang 
buong pagkatao, na ang bawat indibidwal ay nagmemeron bilang 
sarili. Ang realidad ng pagkakaiba at pagkakabukod-tangi ng bawat 
nilalang ay nagpapahiwatig sa indibidwal ng kanyang pagkatao -- na 
may hindi Ako, hiwalay sa Ako na hindi ko masasakop at 
maikakahon. Ang pagkakahiwalay-pagkakaiba na ito ay mararanasan 
sa pagharap sa Mukha, na nagdadala sa indibidwal sa kanyang 
pagpapakatao -- ang panagutan ang kapwa sa pamamagitan ng 
pag-akò ng  kanyang pag-akó. Ang pagiging bukas sa pagdanas at 
pag-unawa sa Meron ang dahilan upang, kahit papaano’y, lubusang 
matuklasan ang Sarili para itaguyod ng mahusay ang ikabubuti ng 
kapwa.

No comments: