Saturday, March 1, 2008

Make that Change.

mula sa blog ni Ginoong Roy Allan Tolentino, ang aking propesor sa Pilosopiya:

"I was a senior in 2001, and we sped towards graduation propelled by what seemed (then) a great moral victory. Having taken to the streets and toppled a gangster-president, we were filled with hope and urgency.

The years have jaded me somewhat. After all, the gains of EDSA Dos have been squandered and the moral victory tarnished by betrayal upon betrayal. As I told my Ph 102 class the other day, we Filipinos have become experts of the brusque and of the short-term; coup d'etats and revolutions to-go are our specialty. What we need to work on is our ability to last for the long haul: the slow and steady pace needed for the slow and steady work of development. Patience, consistency, and integrity appeal more to me now than flash-in-the-pan action; energy in a steady pulse, not in sudden bursts."

naalala ko yung sinabi ni GMA na "nakakahiya" kapag magkaron pa ng EDSA 3.5 (di ko gets bakit may .5 but.. what the hey) kasi sasabihin ng mga taga-ibang bansa na napakahilig ng mga Pinoy sa mga mabilisan at biglaang pagbabago. kumbaga, sa instant noodles, tatlong minuto lang at presto! kainan na.

ngunit bakit nga ba tayo napupunta sa ganitong solusyon?

marahil nagsasawa na ang mga tao sa pagsunod sa "tamang proseso" na inilatag ng mga struktura ng ating gobyerno. ang usad-pagong na sistema ng pagpataw ng desisyon sa ating hudikatura at ang samu't saring kapalpakan sa pagpapatupad ng ating mga batas ay nakakawalang gana (fyi: ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na may pinakamaganda na mga batas. kinokopya ng ibang bansa ang mga batas natin i.e. public policy advocacy by NGOs/CSOs, indigenous people's rights).

nariyan pa ang walang katapusang sinasambit ng iba't ibang Pinoy tungkol sa mga tao sa gobyerno: "pare-pareho lang naman sila.. mga kurakot at garapal. nagpapayaman habang nakaupo." laganap na ang kawalan ng pag-asa. halatang halata naman sa dami ng lumilisan mula sa ating bansa. minsan ko nang narinig mula sa isang mag-asawa patungkol sa kanilang paglipat ng States na "wala nang mangyayaring maganda sa Pilipinas. mas mabuti pang lumipat na lang para magkaron ng magandang buhay."

noong klase ko sa kasaysayan sa ilalim ni Padre Jose Arcilla noong Huwebes, nagkwento siya tungkol sa huling sulat ni Rizal na kanyang ginawa pagkatapos nilimbag ang Noli Me Tangere. ang sulat na ito ay para kay Blumentritt. sinabi niya na kapag siya ay sumakabilang buhay, nais niyang masagot ang tanong ni San Pedro: kung ano ang ginawa niya tungkol sa mga kawalan ng hustisya sa kanyang paligid, sa kanyang lipunan.

mapa-people power man o patuloy at walang katapusang pagkayod sa pagbago sa ating gobyerno, importanteng alalahanin ang ating telos -- ang silbi ng ating ginagawa sa mundo. importanteng pagtuunan ng pansin ang nabanggit ng kahanga-hangang Rizal sa kanyang sulat. may ginagawa nga ba tayo sa mga pang-aabuso o kawalan ng hustisya sa ating bansa? ang kawalan ng hustisya ng diskriminasyon, ng pagkagutom, ng kawalan ng trabaho, ng kawalan ng dignidad.

hindi kailangan maging televised at popular ang pakikibaka natin laban sa mga problemang ito. maaari natin gawin ito mismo sa sarili nating mga buhay. ang patuloy at walang humpay na pakikipaglaban sa mga kondisyon na kinalulugmukan ng higit sa kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay nararapat na isabuhay.

hinahangad kong masilayan ang panahon (nawa'y sa aking buhay) ang isang karanasan na nabanggit ni Coelho dati: "..that the meaning of 'injustice will be found only in dictionary definitions and never in the lives of human beings."

------------------------------------------------------------

"I See The Kids In The Street,
With Not Enough To Eat
Who Am I, To Be Blind?
Pretending Not To See
Their Needs
....

I'm Starting With The Man In The Mirror
I'm Asking Him To Change His Ways
And No Message Could Have
Been Any Clearer
If You Wanna Make The World
A Better Place
Take A Look At Yourself, And
Then Make A Change"

- Man in the Mirror, Michael Jackson

No comments: