Tuesday, February 5, 2008

how to love.

found this in one of my notepad-quotes collection (yes, i do have such a collection. haha). i cant seem to remember when i wrote this but i do know that it was a comment to another person's blog. check it out.

paminsan-minsan ay nakikipaglaro ang realidad sa atin...nabibihag tayo sa mga pangyayaring ninanais natin (ngunit hindi ito malay na pagnanais) na mayroong pumansin sa atin, makinig, umusisa, magmahal.

napakagandang isipin na, oo nga, baka nga ganito na ang nangyari [dont know, maybe the author mentioned a particular moment?..].sa ganitong paraan, mas madali malaman kung sino nga ba ang tatagal, kung sino ang lalaking ipaglalaban ang pagnanais na magkaroon kayo ng kasalukuya't hinaharap --- kung sino ang TAPAT.

ngunit, hindi ba't nakawiwindang rin kung iisiping posible at maaari ngang mangyari at pwedeng pwedeng maging katotohanan (halata bang desperado?! ;p), na ang mga inakala mong akala, ang mga sinabi mong panaginip na gising, ang mga pagbabakasakaling pag-ibig ---- ay TUNAY na pag-ibig pala na hindi lang niya kayang ipagtapat? ay TOTOONG pag-aaruga't pagliliyag pala na hindi lang mahanapan ng tamang oras sa pagbunyag?

at sa huli't huli ay nauwi rin pala sa pag-amin sa iyong sarili na ... hindi natin maaaring husgahan ang ating iniibig sa kanyang pamamaraan ng pag-ibig....

hindi dahil sa "iba" ang pagpapakita ng taong ito ng kanyang pag-ibig ay hindi ka niya minamahal ng kanyang BUONG PAGKATAO --- ng walang kasing tulad.




ano pa nga ba ang mas nakababaliw, nakawiwindang at nakababagabag sa dalawang posibilidad na ito??


sigh.


----------------
Inside out, upside-down twisting beside myself,
Stop that now; you’re as close as it gets without touching me,
Oh now don’t make it harder than it already is,
I feel a weakness coming on.
- "The Walk", Imogen Heap

No comments: