Wednesday, August 15, 2007

Meron at pagmemeron

"Ang bawat umiiral, hindi tinatangay lamang ng hangin sa dilim,


at ang bawat tao ay hindi


isang gagala-gala lamang na hampas lupa.



Kahit hindi niya alam ang mga detalye, alam niya


sa isang hinala-katiyakan


na mayroon siyang pook sa meron na



angkop sa kanya,




na mayroon siyang tahanan na sariling kanya


sa abot tanaw ng meron,






kaya't meron siyang bigat at kapal at halaga



sa sansinukob.





Ito ang talinhagang nakatago sa katagang "kahulugan":





na ang bawat umiiral ay mayroon bukod tanging kinagagalawan, kinalulundagan, kinahuhulugan sa sanlibutan...



Sa pagsusuri ko sa meron, natatauhan ako sa meron bilang kahulugan, hindi lamang bilang umiiral na, ngunit



bilang kailangang pairalin at buoin pa. "


- Padre Roque J. Ferriols, S.J., "Meron"



==============================

1 comment:

Anonymous said...

/\_\
/ / /_
/ /_/\ \
_\ \/ \ \
/\ \ /\ \_\
\ \/ \ \/_/
\ /\ \_\
\/_/ / /
/ / /
\/_/