Friday, October 6, 2006

baliw

hindi ko namalayang

nahuli mo ako.

bihag ng isang
saglit

ng kabaitan o ng

pagkaawa...?


hindi ko batid

kung kailan mo ako

naikulong.

sa kalokohan at kabaliwang

ito. hindi na ako

napirmi. hindi na ako

iniwanan,

tinantanan,

ng iyong hindi mawaring

mga mata

ng iyong

nakabubulabog,
nakawiwindang,
nakalulupasay na


ngiti.


hindi ka na naawa.

hindi ka man lang napa-isip

na MALI ang iyong ginagawa

na MALI ang iyong inaasta

na MALI ang lahat,

LAHAT ng sinasabi at

pinagpipilitan mo.


ginulo
mo ang mundo ko.

winasak mo lahat ng inakala kong tama

ipinadama mo ang hagupit ng iyong nakaraan.

kaya nararapat
lang
na





magpa-salamat.






salamat.














matagal na kitang

hinihintay.

No comments: